Wednesday, February 17, 2010

Kapamilya Station was Declared Number 1 for the year 2009


Here Is the official statement released by ABS-CBN Mangement about the declaration that they have got the first spot according to TNS:

"LALONG lumaki ang lamang ng ABS-CBN sa kalabang network pagda ting sa national ratings sa pagtatapos ng taong 2009, ayon sa datos ng Taylor Nelson Sofres (TNS).

Mula sa 44% audience share kumpara sa 37% share ng GMA 7 noong Pebrero 2009, umariba ang ABS-CBN pagdating ng Disyembre 2009 sa audience share na 48% laban sa 31% ng karibal na istasyon.

Ang pag-akyat ng lamang ng ABS-CBN mula sa dalawang-percentage points hanggang sa 17-percentage points ay dahilan na rin sa pagtutuon ng pansin ng network sa kanilang core viewers, pagtaas ng antas at kalidad ng kanilang produksyon, pagpapaganda ng TV reception, at mahusay na pamamaraan ng pagsasalamin sa buhay ng bawat Pilipino sa mga programa nito tampok ang magagaling na artista sa industriya.

Kapansin-pansin ang pagbabago ng audience share pagdating sa Mega Manila kung saan mula sa nine percentage points noong Pebrero 2009 (ABS-CBN 34% vs GMA 43%), dalawang percentage point na lang ang layo ng Kapuso Network sa Kapamilya Network sa pagsasara ng nakaraang taon (ABS-CBN 37% vs GMA 39%).

Pagdating sa Metro Manila, na bumubuo sa kalakhan ng Mega Manila, nakatala ng 37% audience share ang ABS-CBN laban sa 40% ng GMA noong Pebrero 2009 na umakyat pa hanggang 39% laban sa pababang share ng kalaban na 35% pagsapit ng Dis yembre 2009.

Sa buong bansa, nanatiling namamayagpag ang ABS-CBN matapos nitong makuha ang 45% audience share laban sa kabilang network na nakatamo ng 34%.
Ito rin ang nangunguna pagdating sa mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila sa audience share na 49% laban sa 32% ng GMA; 62% sa Visayas laban sa 22%; at 70% sa Mindanao kung saan inilampaso nito ang Kapuso Network na may 15% lamang.

Labing-apat sa Top 15 programa para sa taong 2009 ay mula sa ABS-CBN.

Ang teleseryeng May Bukas Pa na nagpasikat sa miracle boy na si Santino ang nanguna sa listahan sa rating na 37.2%, na sinundan ng local adaptation ng I ♥ Betty La Fea (36.8%) kung saan gumanap si Bea Alonzo bilang Beatriz Pengson; local adaptation ng Only You (36.3%) tampok sina Angel Locsin, Diether Ocampo, at Sam Mily; at ang Tayong Da lawa (35.5%) nina Gerald Anderson, Kim Chiu at Jake Cuenca.

Ang TV Patrol World (34.4%) ang tanging news program na nakapasok sa Top 5 kaya hindi maikakailang ito ang nangungunang newscast sa buong bansa.

Sumunod dito ang rea lity-drama na Pinoy Big Brother Double Up na pumalo ng 32.2% sa pilot airing; ang remake ng isa sa classic Agimat saga ni Ramon Revilla na Pepeng Agimat na kumana ng 31%, at ang Katorse na humataw sa rating na 30.2%.

Pasok din sa Top 15 ang magazine program ni Korina Sanchez na Rated K sa average ating na 29% .

Sa larangan ng program acquisitions, tinaob ng ABS-CBN ang lahat ng kalaban sa Boys Over Flowers (28.5%) na nagpakilig at nagpahumaling sa mga Pinoy sa kagwapuhan ng Korean F4 na sina Jun Pyo, Ji Hoo, Yi Jeong, at Woo Bin. Ito ang tanging palabas na galing ibang bansa na nakapasok sa Top 15.

Namamayagpag at pinapanood ang ABS-CBN sa lahat ng genre — mapa-drama, news and current affairs, reality, fantasy, o game show pa ito.

Kabilang sa mga programang dapat abangan para sa taong ito ay ang Pinoy version ng Rubi na gagampanan ni Angelica Panganiban, talent-reality show na Pilipinas Got Talent, fantaseryeng Kokey@Ako, pocketbook adaptation ng Midnight Phantom at Impostor at Gimik 2010."

Congaratulations Kapamilya. Job well done

No comments:

Post a Comment